Thursday, July 23, 2009

Sulat sa nanay at tatay ko

Maahal kong nanay at tatay

Magandang araw po!

Sumulat ako upang humingi ng tulong sa pagkausap kay lolo na isingit nya sa kanyang mga Gawain ang problima ng lupa sa Malatunglan. Nakapagpadala na ako ng mga gamit sa pagbabahay sa malatunglan at sayang naman kung ito ay iaatras. Iniimbitahan tayo sa bahay ng mayri ng lupa dito sa infanta gustong makausap si lolo. Magandang pagkakataon ito upang ipaliwanag ni lolo na sya talaga ang may ari ng lupang iyon simula pa ng di abut ng alala. Wag naman sya mag-alala kilala ko ang kanyang anak at kaibigan natin. Kaya lang gusto ko kausapin ni lolo yung nag-aangka ng lupa.

Ang uras ng pagkikipag-usap natin ay 9:00 ng umaga bukas ng umaga. Kaya ang hinling ko samahan nyo si lolo na makipag-usap sa nag-aangka ng lupa.
Ito ang mga kailangang gawin, patunayan ni lolo na ito ay kanyang mana sa kanyang mga magulang.
ipakita sa kanila ang hingganan ng lupa.

Tingin ko malaki ang pag-asa nating mabawi ang lupa basta makipag-usap lang tayo ng mahusay...

Inaasahan ko ang inyong buong supurta sa aking problima... Sana kahit di gaanong mahalaga sa inyo ang uping ito ay paunlakan nyo ang aking imbitasyon. Saka panahon narin na lumaban tayo para sa ating lupa dahilan sa kung titingnan ntin lagi na lang tayo niluluko, matutulad din yan sa iba pa nating pag-aari na di nating pinaglalaban. Hinahamon ko kayo na lumaban sa pagkakataong ito. Hindi na kailangan na tayo ay laging umaalis at ayaw nating lumaban. Paano kami kaming mga apo at anak nyo kung patuloy nyong tatakasan ang mga ganitong prolima sa lupa.

Ang tuno di ko nakikitang pinaglalaban nyo lagi ko sinasabi piro baliwala, isipin nyo ang ilan pang mga apo ni lolo kung magustuhan ang lugar na iyon di nila makukuha dahilan sa di kayang paglaban ni lolo.

Ramcy